35

By

Kanselasyon ng TRAIN Law, ikakasa sa Kamara

Sharing is caring!

Nakatakdang maghain ng panukala si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate para ipa-repeal o iurong ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Katuwiran ni Zarate, ilang buwan pa lamang na naipatutupad ang TRAIN o Republic Act 10963 pero matindi na ang epekto nito sa hanay ng mga manggagawa.

Ayon sa kongresista, hindi na kailangan pang hintayin na magdulot ito ng higit pang negatibong epekto bago umaksyon ang Kongreso.

Iginiit ni Zarate na hindi lang kailangan ng review o amyenda ng nasabing batas kundi diretsahang pagpapawalang-saysay dito.

Binanggit ng mambabatas na mula nang ipatupad ang Train Law ay buwan-buwan na lamang tumataas ang inflation rate.

Nagkatotoo aniya ang babala nila noon na balewala ang tax exemption sa kitang P250,000 kada taon dahil sa bigat ng epekto ng TRAIN.

“We will then file a bill that aims to truly reduce the tax burden on the poor majority by repealing the regressive provisions of TRAIN Law. It proposes a higher income tax exemption and repeals regressive taxes including the expansion of VAT coverage, additional excise taxes on petroleum products and the excise taxes on sugar-sweetened beverages. We need a more progressive taxation system now and not one that preys on the poor,” pahayag ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?