20

By

Kanselasyon ng trabaho dahil sa bagyong ‘Ompong’ ipinaubaya na sa mga LGU

Sharing is caring!

Ipinaubaya na ng Malacañang sa mga lokal na opisyal ang pagpapasya sa pagkansela ng pasok sa trabaho partikular sa mga lugar na dadaanan ng bagyong ‘Ompong’.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaasahan nilang magiging maagap ang mga local executive sa pagdedesisyon lalo na at nakapasok na sa bansa ang malakas na bagyo.

Muling nanawagan si Roque sa publiko na sundin ang abiso ng mga lokal na opisyal at huwag maging pasaway para matiyak ang kaligtasan sa hagupit ng bagyo.

Inaasahang hihilahin ni Ompong ang southwest monsoon o habagat na tiyak na magpapaulan sa maraming lugar na daraanan nito.

Umaasa ang Malacañang na maabot ang zero casualty para maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian.

Sinabi ni Roque na nakatutok ang Palasyo sa mga magiging kaganapan sa bansa kaugnay sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) aasahan ang malakas na mga pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Siquijor, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Dinagat Island, at Lanao del Sur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?