24
ABANTE palasyo malacanang sec rappler
Jan 15, 2018 @ 17:20
By

Kanselasyon ng SEC sa lisensiya ng Rappler, nirerespeto ng Palasyo

Inirerespeto ng Malacanang ang naging desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na nagpawalang-bisa sa lisensiya ng online news agency na Rappler.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, may kapangyartihan ang SEC na magdetermina o tumukoy sa legalidad ng mga korporasyon sa bansa.

Malinaw aniya na nakasaad sa batas na dapat pagmamay-ari ng Pilipino ang mass media entities at Pilipino rin ang mangangasiwa nito.

“The Security and Exchange Commission (SEC) is empowered to determine the legality of corporations.

We respect the SEC decision that Rappler contravenes the strict requirements of the law that the ownership and the management of mass media entities must be wholly-owned by Filipinos,” ani Roque.

Binigyang-diin pa ng kalihim na maaaring umapela at gamitin ng Rappler ang lahat ng legal na remedyo hangga’t hindi nagpapalabas ng pinal na desisyon ang SEC sa usapin.

Isa ang Rappler sa mga kritikal na online media sa Duterte administration at inihanay sa mga grupong dilawan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?