42

By

Kanseladong flights dahil sa pagputok ng bulkan

Sharing is caring!

Bunga ng pagputok ng bulkang Mt. Agung, kanselado na ang mga biyahe ng Cebu Pacific sa Bali, Indonesia ngayong araw.

Sa ipinalabas na abiso ni Charo Lagamon, tagapagsalita ng CebuPac, ang mga nakanselang flights ay ang 5J 279 (Manila-Denpasar) at 5J 280 (Denpasar-Manila).

Nabatid na sarado na rin ang Ngurah Rai International Airport dahil sa pag-aalburoto ng bulkan.

Sinabi ni Lagamon, ang mga naapektuhang pasahero ay maaraing ibiyahe sa susunod na flight o i-re-book ang kanilang lipad sa loob ng 30 araw at maaari rin na ilagay sa kanilang Travel Fund ang kanilang ibinayad sa nakanselang biyahe. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?