55

Mar 21, 2020 @ 20:23
By

Kano solong tumakbo sa ‘Bataan Death March’ marathon

May banta man ng COVID-19 ay hindi napigilan ang Amerikanong si David Saenz, 21-anyos at US Air Force air traffic controller na ituloy ang kanyang pagtakbo sa kinanselang ‘Bataan Memorial Death March’.

Dahil dito, solo siyang tumakbo. Wakang pakialam sa sasabihin ng iba.

Ang nasabing marathon ay bilang pag-alala sa mga nasawing sundalong Amerikano at Filipino sa bantog na Death March sa Bataan noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas. Isinasagawa ito tuwing Marso sa White Sands Missile Range sa US.

“I didn’t go out on Sunday for people to say thank you or to honk at me or for my own self recognition because that defeats the whole purpose of what the Bataan March,” ani Saenz. “People always say they’re never forgotten but I like to put action into those words because it brings more meaning to me,” paliwanag pa ng Kano.

Nakatakbo umano siya ng 16 miles sa 26-mile marathon bitbit ang 35-lbs backpack at itim na watawat (Prisoner of War flag) kaya’t nakatawag siya ng pansin sa mga residente roon.

Layunin niya diumano na hindi makalimutan ang mga sundalong nagbuwis noon ng buhay para sa bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?