133

Jan 11, 2020 @ 15:48
By

Kano nahatulan sa pagnanakaw ng bayawak sa ‘Pinas

Nag-plead ng guilty ang isang lalaking taga-Florida ng pag-smuggle ng buhay na water monitor lizard mula sa Pilipinas saka ito dadalhin sa Amerika.

Ayon sa Boston.com report, naghain ng guilty plea si Akbar Akram, 44, sa Tampa federal court sa isang count ng wildlife trafficking na paglabag sa Lacey Act and the the Convention on International Trade in Endangered Species Treaty.

Umamin si Akram na iligal siyang nagpuslit ng mahigit 20 buhay na bayawak mula sa Pilipinas noong 2016.

Nakakapuslit aniya siya sa customs authorities sa pamamagitan ng pagtatago sa bayawak sa medyas na naka-tape at nakalagay sa loob ng electronic equipment.

Naipapadala ang equipment sa pamamagitan ng commercial carriers na patungo sa kasabwat ni Akram sa Massachusetts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?