52

Oct 14, 2021 @ 20:00
By

Kano na wanted sa US nadakip sa Mandaluyong

Nahuli ng mga awtoridad sa isang hotel sa Mandaluyong City ngayong Huwebes ang isang American citizen na may kaso umanong child molestation sa US.

Kinilala ang suspek na si Francisco Loreno Jr., 48-anyos.

Ayon sa ulat, nakipag-ugnayan umano ang US Embassy sa Bureau of Immigration (BI) kaya’t naglabas agad si Commissioner Jaime Morente ng mission order para ipadakip si Loreno.

Hindi nakalusot sa mata ng awtoridad ang suspek at nakita itong tumuloy sa isang hotel sa Mandaluyong noong Oktubre 8, kaya’t napadali na rin ang paghuli dito.

Dinala si Loreno sa US Embassy para maasikaso ang pagpapauwi sa kanya sa Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?