11

Feb 21, 2021 @ 9:37
By

Kanlaon inuga ng 7 lindol

Nakapagrehistro ang Phivolcs ng pitong lindol sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Ayon pa sa kanilang 8 a.m. bulletin ngayong araw, nagpakawala ang bulkan ng katamtamang usok na umabot sa 200 metro ang taas.

Naglabas din ito ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 587 tonelada kada araw noong Pebrero 17.

“These parameters may indicate hydrothermal, tectonic, or deep-seated magmatic processes occurring deep beneath the edifice,” saad pa sa Phivolcs bulletin.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan na nangangahulugang nasa abnormal pa rin itong kondisyon.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa permanent danger zone ng Kanlaon dahil posible pa rin anilang sumabog ang bulkan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?