717

By

‘Kangkungan’ ng batikang direktor, patama kay Duterte

Sakto isang araw bago ang paggunita ng ika-33rd anibersaryo ng Edsa People Power Revolution, naglabas ng limang minutong feature video ang direktor na si Mike De Leon na tungkol sa mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa video, makikita ang mga clip kung saan maririnig ang pagmumura ni Duterte.

Mga kababayan, ganito ang Pangulo ng Pilipinas,” ayon sa nagna-narrate na si Teroy De Guzman.

“Gustong-gusto ng kanyang mga tagasuporta ang kanyang kalaswaan at kawalang-hiyaan. Para sa kanya, ang maging malaswa at bastos ay katumbas ng pagiging makamasa,” saad sa short feature.

Pinakita rin sa naturang video ang mga napaslang dahil sa laban kontra iligal na droga ng administrasyon.

“Sa ngalan ng digmaan laban sa droga, naghasik siya ng lagim sa bayan natin. Libu-libo ang napatay at patuloy na pinapatay.”

Ilan pa sa mga naging patama sa video ay ang pagpapakulong umano kina Senadora Leila de Lima, Senador Antonio Trillanes IV, pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, at pagpapalayas sa bansa ng misyonaryong si Patricia Fox.

Ayon pa sa film, isa sa mga naging ‘kasalanan’ ni Duterte ay ang pagsuporta nito sa pamilyang Marcos, at sinabing ang pagdeklara nito ng martial law sa Mindanao ay isa sa patunay nito.

Kaya naman pinaalalahanan ni De Leon ang mga botante na maging matalino sa pagpili ng mga susunod na mambabatas dahil sila aniya ang huling balwarte na sasalungat kay Duterte na hindi umano titigil hanggang hindi makamit ang absolute power.

“Mga kababayan, at lalo na sa inyo mga kabataan, ngayong Mayo, bumoto na parang nakasalalay dito ang inyong kinabukasan at ang inyong buhay,” pagtatapos ng video.

2019 Kangkungan A Video by Mike De Leon from Citizen Jake on Vimeo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?