56

By

Kandidatura ni Bong Revilla sa pagka-senador, ihahain ni Lani

Sharing is caring!

Nakatakdang umanong ihain ni Bacoor City Mayor Lani Mercado ang kandidatura ng kanyang kabiyak na si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Ayon sa source ng Abante, ihahain ng alkalde ang certificate of candidacy (COC) ng kanyang kabiyak sa darating ng Oktubre 16 o 17 sa main office ng Comelec sa Intramuros, Lungsod ng Maynila.

Bagama’t kasalukuyang nakapiit sa kulungan dahil sa alegasyon ng paglustay ng pera ng bayan, muling tatakbo sa Senado sa darating ng halalan sa 2019 si Revilla sa ilalim ng Lakas Christian-Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.

Ayon kay Lakas-CMD President Ferdinand Martin Romualdez, ang labing-dalawang taong pagiging senador ni Revilla ay hindi matatawaran at isa siya umano sa mga pinaka-kwalipikadong senatoriables para sa nalalapit na halalan.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong pandarambong sa Sandiganbayan matapos umano niya ibulsa ang mahigit na P224-milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Funds (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel funds na idinaan sa mga ‘hao siao’ umanong non-government organization (NGOs) ni ‘pork barrel scam’ mastermind Janet Lim Napoles.

Ang dating senador ay nakapiit sa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame noong pang Hunyo 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?