12

Nov 5, 2020 @ 15:27
By

Kandidatong patay sa COVID nanalo pa sa halalan

Nagwagi pa rin sa eleksiyon ang isang kandidato sa Amerika kahit pa pumanaw na ito noong nakaraang buwan.

Ayon sa Anadolu Agency, Oktubre 5 nang pumanaw si David Andahl, 55, matapos nitong mahawa sa coronavirus. Inanunsiyo ng kanyang pamilya sa Facebook na ito ay “yumao matapos ang maikling laban sa COVID-19.”

Gayunman, nanatili siya sa balota at nanalo ng isa sa dalawang pwedeng puwesto sa North Dakota state legislature sa labanan ng apat na kandidato. Umani siya ng 35.53% ng mga boto.

Samantala, nanalo rin ang kapwa Republican candidate ni Andahl na si Dave Nehring na nagtamo ng 40.72% ng mga boto sa unofficial tally.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,