199

Nov 16, 2021 @ 19:05
By

Kandidatong pabor sa e-sabong huwag iboto – Bro Eddie

Nanawagan si House Deputy Speaker at CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva sa publiko na huwag iboto ang mga kandidato na sumusuporta sa e-sabong at iba pang online gambling.

Sa isang privilege speech ngayong Martes, binigyan-diin ni Villanueva ang negatibong epekto ng sugal sa lipunan.

Ang online gambling ay isa umano sa mga isyu na tinututukan ng CIBAC at ng koalisyon ng mga Kristiyanong Simbahan sa bansa sa pagpili ng kanilang susuportahang kandidato.

Ayon kay Villanueva apat na kaso ng suicide sa Bocaue, Bulacan at Floridablanca, Pampanga ang may kaugnayan sa online gambling.

Mayroon din umanong pulis na nangholdap sa mga remittance company sa Bulacan at Nueva Ecija matapos na malulong sa e-sabong.

Isang honor student ang hindi na rin umano pumapasok sa paaralan dahil sa online gambling at natuto pa na nakawan ng pera ang kanyang mga magulang. Menor de edad umano ang estudyante pero nakakapag-e-sabong.

“If the government wants to generate more revenues, I think the more appropriate way is to do serious housekeeping and plugging of loopholes in its revenue-generation functions. Addressing the problems of smuggling and tax evasion, for example, will surely beef up government resources. I fear that legitimizing e-sabong for the reason of raising public funds is just a front and a lame excuse for accommodating the greed of its operators – at the expense of siphoning hard-earned money of the Filipino people,” dagdag pa ng solon.

Iginiit ni Villanueva na mas malaki ang negatibong epekto ng online gambling sa lipunan kaysa sa inaasahang kikitain dito ng gobyerno.

Sinabi ni Villanueva na kung aaprubahan ng Kongreso ang prangkisa ng mga kompanya ng e-sabong hindi umano malayo na kumuha na rin ng prangkisa ang iba pang uri ng online sugal sa nalalapit na panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?