38

Jan 12, 2022 @ 11:51
By

Kandidato sa pagka-konsehal, tinumba sa Sultan Kudarat

Todas ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa Sultan Kudarat matapos itong barilin ngayong Miyerkoles ng umaga sa Tacurong City.

Kinilala ang biktima na si Jaynard Angeles, na kandidato sa pagka-konsehal sa bayan ng Lambayong sa nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Tacurong information officer Allan Freno, bago pumasok sa politika ay isang radio commentator si Angeles para sa Radyo ni Juan.

“He was a hard-hitting radio commentator, and his criticisms did not spare politicians,” pahayag ni Freno sa isang panayam.

Noong Disyembre 2019, pinagbabaril din ang station manager ng Radyo ni Juan sa Tacurong City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?