17
soco-2
By

Kandidato sa barangay elections, pinatay sa Pasay

Sharing is caring!

Hindi na mapapakinabangan pa ang nakahanda nang campaign materials ng isang kandidato sa pagka-kagawad sa isang barangay sa Pasay City.

Pinagbabaril ng riding in tandem ang 36-anyos na si Anthony Joseph Echavez sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay 4, Lunes ng gabi.

Naglalaro ng dart si Echavez sa Cuyegkeng Street alas-10:48 ng gabi nang huminto ang motorsiklo ng mga salarin at bigla na lang siyang pinagbabaril.

Sa pagtakas ng mga salarin ay isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Hindi isinasantabi ang posibilidad na ang diumano’y pagiging babaero at pagkakasangkot sa video karera ang motibo sa pamamaslang.

Wala pa ring opisyal na deklarasyon ang Southern Police District kung ang pagpatay kay Echavez ay maituturing na unang election-related violence sa timog ng Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?