98
harry-roque1
By

Kandidato bilang bagong Ombudsman, umabot sa 10 – Palasyo

Sharing is caring!

Nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang hihirangin bilang susunod na bagong Ombudsman..

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng sampung kandidato na pagpipilian ng Pangulo para ipalit sa magreretirong si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Hulyo.

Ayon kay Roque hihintayin na lamang ang shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) dahil sila ang magrerekomenda ng mga pangalan sa Pangulo.

Kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na ayaw niya ng babaeng Ombudsman, sinabi ni Roque na bahala na ang JBC kung may babaeng ilalagay sa shortlist.

“Sampu po sila, so may the best men or women, best man or woman prevail. Pero nasa JBC po iyan, as I said, ang Ombudsman po is also covered by the JBC. So the JBC will have to submit a shortlist of candidates for the position at iyon po ang pagpipilian ng ating Presidente,” ani Roque.

Naniniwala naman ang kalihim na nagbibiro lamang si Pangulong Duterte nang sabihing gagawin niyang Labor Attache’ to Kuwait si Labor secretary Bello III na napaulat na nag-apply na umano sa mababakanteng puwesto sa Ombudsman.

“Ang tingin ko biro lang naman iyon. Alam ninyo naman palabiro itong si Presidente, lalo na sa kanyang mga kaibigan. Si Secretary Bello po ay roommate niya sa YMCA. So alam naman niyang nag-a-apply sa Ombudsman, so tinutukso ang i-a-appoint sa kaniya ay bilang labor attaché. So tingin ko naman tukso po iyon,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?