108

Nov 2, 2017 @ 18:04

Kanang kamay ni Hapilon, isa pa patay sa Marawi City

Dalawang miyembro ng teroristang Maute group ang napatay ng sa nangyaring engkuwentro sa main battle area sa Marawi City Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Colonel Romeo Brawner Jr., deputy commander ng Joint Task Force Ranao, isa sa mga napatay si Abu Talha na kanang kamay ng emir ng ISIS sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon.

Hindi pa nakikila ang napaslang na kasama ni Talha.

Nabatid na nagbabantay ng outpost ang mga terorista nang paputukan ang mga sundalo.

Agad namang gumanti ng putok ang mga sundalo na nauwi sa engkuwentro.

Wala namang napaulat na sugatan sa panig ng pamahalaan.

Nauna rito, sinabi ng naarestong Indonesian na miyembro ng Maute na mayroon pa silang 39 na mga kasamahan ang nasa main battle area. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?