44

Jan 6, 2022 @ 16:01
By

Kamukha raw? Xian nirerespeto si Daniel dahil gwapo

Ipinaliwanag ni Xian Gaza kay Karla Estrada na mataas daw ang respeto nito sa anak na si Daniel Padilla.

Aniya, wala itong balak siraan ang aktor dahil nirerespeto umano nito ang mga kamukha niya, kagaya na lang ni Daniel.

“Karla Estrada Madam, wala po akong balak siraan ‘yung anak niyo dahil mataas po respeto ko sa mga lalaking kamukha ko,” paliwang ni Xian sa Facebook post.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=884619048891905&id=100020314545262

Dagdag pa niya, nais lang umano niyang malinawan kung ano ang ginagawa ni Barbie Imperial sa bahay nina Karla.

Tinanong rin nito si Karla kung may namamagitan ba kay Daniel at Barbie.

“Ang nais ko lang po ay malinawan. Ano pong ginagawa ni Barbie sa bahay niyo? May namamagitan po ba sa kanilang dalawa ni DJ?” pag-uusisa pa ni Xian.

Marami namang netizen ang naghihintay sa paliwanag ni Karla tungkol dito. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?