3

Kampton isinalba ang Altas

Sharing is caring!

Tumaktak si Noel Michael Kampton ng 20 puntos kasama ang 15 kills upang isalba ang reigning titlist Perpetual Help laban sa Arellano University, 25-17, 20-25, 25-19, 25-17 kahapon at sikwatin ang unang finals berth sa 93rd NCAA juniors’ volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Puntirya ng Las Pinas-based squad Perpetual Help ang fourth straight crown at 11th overall kung saan sila ang magiging second most titled team sa NCAA high school volleyball sa likuran ng Letran na may league-best 14 championships.

Nag-aabang ang Junior Altas ng makakalaban sa best-of-three finals sa pagitan ng Emilio Aguinaldo at Letra.

“We’re happy to be back in the finals where we have another chance of winning another title,” saad ni Perpetual Help coach Sandy Rieta.

Bahagyang sinalto ng Squires ang Perpetual-EAC title showdown matapos 21-25, 25-20, 25-13, 25-13 bulagang panalo kontra top-seeded Brigadiers.

Dahil sa panalo nagkaroon ng knockout duel ang Letran at EAC para sa huling championship berth sa Biyernes.
Pangalawang sunod na do-or-die game na ng Letran, una nilang kinalos ang San Beda, 25-16, 24-26, 25-19, 20-25, 20-18, para sa last spot ng Final Four.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?