67

Nov 27, 2017 @ 14:09
By

Kampo ni Sereno, nag-sorry sa Kamara

Humingi ng paumanhin ang kampo ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa naging pahayag ng ilan sa mga abogado nito na mistulang “dog and pony show” ang impeachment proceedings ng House Justice Committee.

Nag-sorry si Atty Jojo Lacanilao, tagapagsalita ni Sereno, kung na-offend ang mga kongresista na bumubuo sa impeachment committee.

Giit ni Lacanilao, iginagalang nila ang impeachment proceedings ng Kamara at hindi nila intensyong bastusin ang komite.

Kung nakapagsalita man aniya ang mga abogado ay nais lamang ng mga ito na igiit ang mga karapatan ng Chief Justice.

Naunang kinastigo ni Justice Committee Chairman Reynaldo Umali ang kampo ni Sereno at nagbantang gagamitan ng coersive power kung magpapatuloy pa rin ang mga abogado ni Sereno sa “name calling” sa impeachment procedure ng Kamara. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?