197

Nov 17, 2020 @ 18:20
By

Kampo ni Robredo binutata si Panelo: VP hindi gumamit ng eroplano ng gobyerno

Pinasinungalingan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang alegasyon ni presidential legal counsel Salvador Panelo na gumamit umano ang Pangalawang Pangulo ng C130 plane ng gobyerno para makapunta sa nasalanta ng mga Bicol.

Saad ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, wala umanong katotohanan ang sinabi ni Panelo na naki-‘free ride’ ang Bise Presidente sa eroplano ng gobyerno.

“Nakakalungkot lang, tumutulong si Vice President Leni sa mga tinamaan ng bagyo at baha. Imbes na suporta, paninira at kasinungalingan ang binabato,” ayon kay Gutierrez.

Sa programa ni Panelo na ‘Counterpoint’, binanatan nito si VP Leni na sinabing sumakay umano ng C130 plane si Robredo para makapunta sa Catanduanes.

“Ikaw pala VP Leni noong pumunta ka sa Catanduanes, akala ko naman nagpunta ka doon on your own,” patama ni Panelo. “Sumakay ka naman pala sa eroplano ng pamahalaan at sumabay ka doon sa mga relief goods. Ang dating tuloy ikaw ang may dala doon [ng relief goods].”

Si Robredo ang isa sa mga unang naghatid ng tulong sa mga lugar sa rehiyon ng Bicol matapos tumama ang bagyong Rolly at Ulysses.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?