33

Oct 11, 2021 @ 17:51
By

Kampo ni Ping tiwala sa kanyang tsansa sa dikitang 2022 elections

Naniniwala ang kampo ni Senador Panfilo Lacson na malaki ang tsansa nito sa presidential race sa 2022 elections kung saan magiging dikdikan umano ang laban.

Ayon sa tagapagsalita ni Lacson na si Ashley Acedillo, patunay ng tsansa ni Lacson ay ang pag-akyat ng kanyang iskor sa huling SWS survey kung saan nakakuha ang senador ng 8%.

Bagamat pang-anim lamang sa naturang survey si Lacson, makikita umano sa mga nakaraang halalan na ang maagang lumalamang sa mga survey ay natatalo.

“This is the tightest race since 1992. The highest rating garnered by a possible candidate was 21 percent and the lowest rating was eight percent. This shows that this is still anybody’s ball game. Everything can change in the next one or two surveys,” pahayag ni Acedillo.

Ang naturang survey ay pinangunahan ni dating senador Bongbong Marcos (21%), sinundan nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio (20%), Manila Mayor Isko Moreno (18%), Senador Manny Pacquiao (15%) at Bise Presidente Leni Robredo (14%).

“Ping Lacson is the biggest gainer while Sara’s rating went down by nine percent. The rating of Marcos and Isko have statistically plateaued. The steady increase in Lacson’s numbers for the past three surveys is a positive development,” dugtong pa ni Acedillo.

Samantala, ang running mate naman ni Lacson na si Senate President Tito Sotto ay ang nanguna sa vice presidential survey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?