321

Nov 19, 2021 @ 15:28
By

Kampo ni Marcos Jr. wapakels sa ‘adik na presidentiable’

Dedma ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. sa blind item ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isang tumatakbong pangulo sa 2022 elections na gumagamit umano ng cocaine.

Sabi ni Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos Jr., hindi nila ramdam na sila ang pinatutungkulan ng Pangulo.

Nananatili aniyang mataas ang respeto, paggalang at pagkilala ng Marcos camp sa Pangulo.

“We don’t feel alluded to,” sambit ni Rodriguez sa isang panayam sa radyo.

“We only have the highest respect, paggalang at pagkilala sa presidente,” dagdag niya.

Kagabi sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na cocaine user ang isang presidential aspirant.

Walang binanggit na pangalan ang Pangulo pero sinabi niyang isang “weak leader” ito na wala namang nagawa at sikat lang dahil sa pangalan ng ama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?