20

Jan 25, 2021 @ 21:55
By

Kampo ni Manny tinanggi bakbakang Garcia-Pacquiao

Pinabulaanan ng kampo ni Senador Manny Pacquiao nitong Lunes ang kumakalat na balitang nakatakda na ang laban ng Pambansang Kamao kay WBC interim lightweight champion Ryan Garcia.

“As far as I know, walang Ryan Garcia na kausap ang Paradigm Sports Management, as of now ‘yan ha,” saad ng special assistant ni Pacman na si Jayke Joson sa ulat ng GMA.

Dagdag niya, trabaho ng promoter na Paradigm Sports Management ang pagpapangalan sa susunod na kasuntukan ni Pacquiao.

“Sila magsasabi kay Sen. MP kung sino ipapalaban nila. That’s the only time mag-start conditioning then training si Sen. MP. Hindi sa post diyan sa social media,” sambit pa ni Joson.

“Napakahabang process niyan bago dumating sa fight contract then after fight contract, sched ng promo tour at doon pa lang ia-announce kung sino makakalaban,” dagdag niya.

Matatandaang si Garcia ang nag-anunsyo sa Instagram, na ang susunod na makakalaban niya ay si Pacquiao.

“A dream turned reality. It’s an honor to share the Ring with @mannypacquiao I will always respect what you did in and out the ring. Here’s to the best Man Winning,” sabi niya sa IG post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?