125

Jun 15, 2021 @ 17:52
By

Kampo ni Leni kay Sara: Nag-overreact ka lang!

Inilarawan ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo na isang ‘overreaction’ ang naging banat ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pangalawang pangulo kamakailan.

Matatandaang hindi pinalampas ni Duterte-Carpio ang umano’y pagmamarunong ni Robredo sa sitwasyon sa Davao City. Ito ay matapos sabihin ng bise presidente na dapat tularan ng nabanggit na siyudad ang Cebu City sa pagkontrol ng pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, ang pahayag ng pangalawang pangulo ay obserbasyon niya at hindi personal na pag-atake kay Duterte-Carpio.

“To be very clear there was no attack on Mayor Duterte. It was a simple observation. The cases in Davao are rising and all she said maybe they can take some lessons from the way that Cebu City handled its own surge,” wika ni Gutierrez.

“Completely an overreaction, no attack involved here. Just an honest-to-goodness suggestion which I supposed a lot of other people have also made. It’s telling the immediate reaction is to jump and frame this as an election issue,” dagdag pa ng abugado.

Dagdag pa ni Gutierrez, sanay na si Robredo sa mga banat ng kanyang mga kritiko at magpapatuloy pa rin itong gawin ang kanyang trabaho sa kabila ng mga binabato sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?