58

Oct 19, 2021 @ 13:53
By

Kampo ni Jonson masaya sa hatol vs Ongpin

Ikinatuwa ng pamilya ng yumaong artist na si Bree Jonson ang pagpataw ng kasong possession of illegal drugs kay Julian Ongpin.

Si Ongpin ang kasama ni Jonson sa isang hostel room sa La Union noong Setyembre kung saan natagpuan ang walang buhay na katawan ng artist.

“Very happy yung family and incidentally nag coincide ito sa 30th day ng pagkamatay ni Bree. September 18 namatay and yesterday was the 18th of October so parang they saw a flicker of hope para dito kay Bree kasi kahit papaano meron nang naisampa against Julian,” pahayag ng abogado ng pamilya ni Jonson na si Atty. Ma. Moreni “Em” Salandanan.

Bagamat iniimbestigahan pa ang kaugnayan ni Ongpin sa kamatayan ni Jonson, hindi naman siya nakalusot sa nakumpiskang cocaine sa kwarto na inarkila nila ng artist.

“We are hoping that a warrant of arrest will be issued by the judge after the case has been filed in court. Kasi sa rules natin dito sa Pilipinas merong separate determination ang judge of probable cause for purposes of issuing a warrant of arrest, pero hopeful naman tayo kasi very obvious naman na he was caught in possession of 12.6 o 12.8 grams of cocaine,” dagdag pa ni Salandanan.

Non-bailable ang kasong isasampa kay Julian, na anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?