129

By

Kampo ni Imelda Marcos maghahain ng motion for reconsideration

Sharing is caring!

Naglabas na ng pahayag si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos kasunod ng paghatol ng Sandiganbayan ng guilty verdict para sa 7 counts ng graft laban sa kanya.

Sa statement nito, sinabi na natanggap na nila ang kopya ng desisyon ng Sandiganbayan at titingnan pa ang posibleng hakbanging gagawin kaugnay ng hatol.

Wala pa rin aniya ang kanyang attorney of records na si Atty. Robert Sison, na kasalukuyan pang nasa Asian hospital kaya’t si Justice Lolong Lazaro muna ang magsisilbing interim counsel ng congresswoman.

“We have just received a copy of the Decision of the Sandiganbayan’s 5th Division which was promulgated on November 9, 2018. Unfortunately, my Attorney of record, Atty Robert Sison, has been indisposed and is presently confined at the Asian Hospital,” saad sa statement ni Marcos.

Kasalukuyan pang inaaral ni Justice Lazaro ang kaso ngunit sinabi nito na plano nang magsampa ng motion for reconsideration par baligtarin ang hatol ng Sandiganbayan.

“Justice Lolong Laaro, who has previously appeard as counsel in this case, will act as my counsel in the interim. He is presently studying the decision and has advised us that he intends to file a Motion for Reconsideration,” panapos ni Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?