990

Feb 20, 2020 @ 20:37
By

Kampo ni Coco pumalag sa paratang ni Robin

Sumagot ang kampo ni Coco Martin sa paratang ni Robin Padilla sa “Ang Probinsyano” actor.

Anang kampo ni Coco, hindi pumapatol sa babae ang aktor at hindi nangbubuhos ng tubig sa mga natutulog na staff.

Bunsod ito ng naging sagot ni Binoe sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at sinabing dapat na gayahin ng una si Coco dahil marami na itong natulungang mga walang trabaho.

Sagot ni Robin, nagawa na niya ang mga nagawa ni Coco noon at nagkataon na wala na raw siyang gana na gumawa ng pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera.

Dito na niya sinabing mas mainam daw na sabihan si Coco na huwag bubuhusan ng tubig ang mga natutulog nitong crew dahil sa pagod at huwag pumatol sa babaeng manager.

“Napakarami ko pong pelikula na nagawa ko na ito nagkataon lang na wala akong ganang mag pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera. matagal na pong practice yan natutunan lang po yan ni direk coco sa mga naunang action stars. siguro po mainam sabihin niyo po kay direk coco na wag bubuhusan ng tubig yung mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae,” pahayag ni Binoe.

Ang akusasyon ni Robin ay batay marahil sa ulat na lumabas sa Abante Tonite noong March 2018 tungkol sa pambubuhos diumano ng tubig ni Coco sa mga kasamahan nito sa trabaho na may titulong “Coco Martin pinagtripang buhusan ng tubig ang mga talent?”

Ayon sa ulat, isang source ang nagsabing nakausap niya ang isang talent sa “Ang Probinsyano”.

Ikinuwento nito na nagpapahinga raw ang mga talent dahil sa pagod pero lumapit si Coco at binuhusan umano sila ng tubig. Nabanggit sa ulat na “biruan” lamang ang buhusan ng tubig.

Hindi nag-react dito ang kampo ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?