57
npa
By

Kampo ng NPA, itinuro ng sumukong rebelde sa Cotabato

Sharing is caring!

Isang home-made grenade launcher at tatlong Improvised Explosive Devices (IEDs) ang nadiskubre sa abandonadong kampo ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Kinarum, Magpet, Cotabato.

Ang pagkakasamsam sa mga bomba ay dahil sa pagboluntaryo ng sumukong rebelde na si Jonaden Sicao, 22, na ituro ang dating kampo ng NPA kung saan niya itinago ang mga bomba.

Sumuko noong Abril 4 si Sicao matapos niyang mawalan ng tiwala sa mga komunista at dahil na rin sa kagustuhan niyang mag-aral muli.

Ayon kay Sicao, ang trabaho niya sa NPA ay magtanim ng IEDs sa mga rutang laging dinadaanan ng mga tropa ng militar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?