122

Jan 25, 2019 @ 16:42

Kampo ng mga rebelde sa Lanao del Sur, nakubkob ng militar

Naagaw ng militar ang jungle camp ng mga rebelde sa Lanao del Sur sa gitna ng paghahanap sa lider ng mga ito na si Abu Dar.

Ayon sa report, ang naging bakbakan kahapon laban sa Maute Group ay nagresulta ng pagkakasugat ng tatlong sundalo habang inaalam pa umano kung may tatlong namatay sa panig ng Dawla Islamiya o Islamic State.

Ilan sa narekober sa kampo na nasa Sumalindao, bayan ng Sultan Domalondong ang rockets, itim na watawat na may simbolo ng ISIS, mga damit, libro at notebooks.

Si Abu Dar umano ay naging tagapagmana sa posisyon ng Maute Group leaders na sina Omar at Abdullah Maute, na siyang responsable sa limang buwang terorismo sa Marawi City. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?