69

Kamping tagumpay! Castro BPC, Jones Best Import

Tinanghal sina Jason Castro at Terrence Alexander Jones ng kapwa TNT na top individual performers sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 bago ang midseason tournament best of seven Finals Game 4 jumpball kagabi ng TNT-San Miguel Beer Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Nadale ni KaTropa guard Castro ang Best Player of the Player sa pagdaig kina San Miguel center June Mar Fajardo, at rookies Bobby Ray Parks Jr. ng Blackwater, Robert Bolick ng NorthPort at CJ Perez ng Columbian.
Iyon na ang fifth career BPC ni 33-year-old, 5-foot-10, Bacolor native The Blur sa pro league sapul noong 2008.

Kinopo naman ni Jones, 27, ang Best Import laban kina Barangay Ginebra San Miguel’s Justin Brownlee and SMB’s Chris McCullough.
Siya ang panlimang reinforcement sa Pepsi/TNT franchise na nakakopo ng karangalan.

Ang dalawang basketbolista ang dahilan sa pagpasok ng TNT sa pinale ng Comm’s Cup tapos ng huling 2017 finals stint.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?