928

By

Kampi sa Golden State binunyag: Durant lalayasan ang Warriors

Sharing is caring!

Aalis na si Kevin Durant sa Bay Area, ito ang paniniwala ng isang manlalaro sa Golden State Warriors.

Ito ay matapos tawagin ng ‘bitch’ ni Draymond Green ng paulit-ulit ang 2014 NBA MVP dahil napagsabihan ang una matapos i-turnover ang crucial possession sa kabilang pagkatalo sa overtime kontra Los Angeles Clippers, 121-116.

“With what was said, there is already no way Durant is coming back. The only hope is that they can say this summer, ‘See, KD. We’ve got your back. We protected you from Draymond,” ayon sa isang player ng Warriors na nakapanayam ni Marcus Thompson II ng The Athletic.

Matatandaan na nasuspende si Green sa laban ng Golden State kontra Atlanta Hawks dahil sa pakikipagsagutan kay Durant.

Posible namang maging free agent na si Durant pagdating ng susunod na season, at kung hindi maayos ang iringan ay maaaring lumipat na ng ibang koponan.

Nasa ikatlong season na si Durant para sa Warriors, na tumanggap ng pay cut para manatili ang core ng koponan.

Napabalita sa isang panayam sa manlalaro na pokus niya sa susunod na season ay ang magkaroon na ng malakihang kontrata para sa pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?