197

Jul 21, 2019 @ 20:58
By

Kampeon muli! Moore, Mighty Sports winalis ang Jones Cup

Dominanteng porma pa rin ang pinamalas ng Mighty Sports Philippines, kinubra ang ika-16 na sunod na panalo sa William Jones Cup sa pagtaob sa Chinese-Taipei White, 81-71, at maibulsa ang kampeonato sa 2019 edition ng annual meet.

Naging sandigan ng Mighty si McKenzie Moore, dalawa lang ang lamang ng PH team sa huling canto at biglang humarabas ng 14-4 run, na tinuldukan ng tomahawk slam ni Moore para ibigay ang 73-61 lead sa koponan.

Hindi pa natapos si Moore, lalo pang sinira ang diskarte ng mga Taiwanese sng muling dumakdak, 1:33 ang nalalabi sa game clock, at masiguro ang panalo.

16 points ang ginawa ni Moore kasama ang limang assists at apat na steals sa larong hindi sumalang si Renaldo Balkman.

Samantala, si dating PBA import Eugene Phelps ang top scorer sa 24 points at 13 rebounds, umayuda naman ng 11 points si local player Joseph Yeo na lahat ay galing sa second quarter.

Ito na ang ikalawang titulo ng Mighty sa nasabing torneo, unang nagkampeon noong 2016.

The Scores

Mighty Sports 81 – Phelps 24, Moore 16, Yeo 11, Williams 7, N’Diaye 7, Adams 6, Brickman 4, Gray 2, Black 2, Wongchuking 2.

Chinese Taipei White 71 – Wu, Y. 15, Lin, K. 10, Chou 10, Wu, C. 9, Lin, T. 8, Tseng 7, Chen 6, Hsieh 2, Sun 2, Huang 2, Lai 0, Su 0.

Quarters: 15-16, 40-32, 59-55, 81-71.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?