103

By

Kampanya vs riding in tandem pinalakas ng Pasig PNP

Umaabot sa 900 civilian at police mula sa iba’t ibang motorcycle riders club ang nakiisa sa kampanya kontra sa mga riding in tandem, bilang tugon ng Pasig City Police na sugpuin ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga riding in tandem.

Layunin nito na ipakita ang kanilang social responsibility bilang aksyon sa pagresolba sa walang katapusang problema sa krimen.

Ayon kay P/SSupt. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig Police, ang paglulunsad ng Pasig City Anti-Motorcycle Riding Suspect Patrol (PCAMP) ay bilang tugon sa lumalalang krimen na kinasasangkutan ng mga riding in tandem sa lungsod at sa nasasakupan ng Eastern Police District (EPD).

Kaugnay nito, hinihikayat ng pulisya ang pakikiisa ng mga motorcycle-riding public sa anti-criminality campaign ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng pinalakas na partnership para sa kaligtasan at disiplina sa mga lansangan at pagsunod sa batas trapiko at sa mga ordinansa.

Bukas para sa lahat ng riders club na nais lumahok sa kanilang adbokasiya basta may endorsement mula sa kinaaaniban nilang samahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?