59
1 patay sa AIDS sa Davao City
By

Kampanya vs HIV, paiigtingin ng DOH

Matapos maitala ang higit isang libong bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) ng Department of Health (DOH) sa buwan ng Hulyo at Agosto, pinaiigting ngayon ng kagawaran ang kanilang laban sa nasabing sakit.

Ayon kay Health Undersecretary Herminigildo Valle, nagpapatuloy ang ginagawang surveillance at tracking ng DOH sa mga populasyon na high risk sa HIV.

Ito ayon kay Valle, ay dahil nakakaalarma, na sa loob lamang ng dalawang buwan ay umabot sa 1,962 HIV cases ang kanilang naitala.

Dahil dito, paiigtingin ng ahensya ang kanilang adbokasiya, information dissemination at ang pakikipagtulungan sa mga LGU para sa libreng gamot at HIV testing.

Una nang sinabi ng DOH na malaking papel ang ginagampanan ng mga LGU upang mailapit sa mga HIV patients ang atensyon at tugon na kanilang kailangan. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?