23

By

Kampanya para sa barangay, SK elections, aarangkada ngayong araw

Sharing is caring!

Simula na ng pangangampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong araw na ito.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10246, ang panahon ng kampanya ay tatagal hanggang sa May 12, 2018.

Dahil dito, ipinaiiral na rin ang panuntunan para sa pangangampanya.

Sa ilalim ng Section 3 ng Republic Act 9006 o Fair Elections Act, ang mga legal na election propaganda ay ang mga pamphlet, leaflet, card, sticker o anumang printed material na hindi lalagpas sa walo at kalahating pulgada ang lapad; at labing apat na pulgada ang haba.

Pinapayagan din ang paggamit ng cardboard poster na hindi lalagpas sa two feet by three feet, pero kung gagamitin naman parasa political rally, ang sukat ng streamer ay hindi dapat lalagpas sa three feet by eight feet.

Gayunman, ang streamer ay papayagan lamang na ikabit limang araw bago ang petsa ng rally at dapat ay alisin sa loob ng 24 oras pagkatapos ng pagtitipon.

Hindi pinapayagan ang pagkakabit ng campaign materials sa mga puno, poste ng ilaw, mga kable ng kuryente, eskwelahan, waiting shed, traffic sign, tulay, barangay halls, health centers, public shrine, public transport terminal, airport at seaport.

Pinapayagan din ang magpatalastas ang kandidato sa pahayagan o broadcast media.

Ang mga kandidato ay maaring mag-ere ng patalastas sa telebisyon hanggang 60 minuto para sa bawat himpilan; at hanggang 90 minuto para sa patalastas sa radyo sa bawat himpilan.

Para naman sa pahayagan, para sa broadsheet ay maaring magpalathala ng hanggang 1/4 page, at hanggang kalahating pahina ng diyaryo para sa mga tabloid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?