155

Jul 26, 2021 @ 20:01
By

Kampanya ni Duterte laban sa droga, korapsyon kinapos – Lacson

Kinapos umano ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga at korapsyon tulad ng sinabi nito sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“His banner programs, particularly anti-illegal drugs and fighting corruption, by his own admission have fallen short even of his expectations,” sabi ni Lacson sa isang statement.

Nauna nang sinabi ni Duterte na patuloy pa rin ang korapsyon sa gobyerno gayundin ang problema sa iligal na droga sa kabila na kanyang ipinangako noon na tatapusin niya ang droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

“Levity aside, the legislative measures that we passed like the Free Irrigation, Free Tertiary Education, Universal Health Care and so forth are regular legislations “did not need prodding by Malacañang or by the President for Congress to pass,” sabi pa ni Lacson.

Samantala, sinang-ayunan naman ni Lacson ang sinabi ni Duerte na magiging mahusay na vice president si Senate President Vicente Sotto III.

“I was about to say, that is the only part that I can completely agree with the President – that SP Sotto is a good person and can be a good Vice President of this country,” sabi ni Lacson, ang magiging running mate ni Sotto sa halalan 2022.

Sabi ni Sotto sa kanyang huling SONA, si Sotto ay “a capable man, a good man, and a Filipino.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?