By

Kampanya ng Gilas sa World Cup, aarangkada na

Sharing is caring!

Uumpisahan ng Gilas ang kanilang kampanya para sa World Cup kontra sa Japan ngayon araw.

Binalatan na ni coach Chot Reyes ang 12-man lineup ng Gilas Pilipinas na isasagupa niya sa Japan sa first window ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers mamaya.

Base sa FIBA.com, alas-siete ng gabi (8pm sa Manila) ang bakbakan sa Komazawa Olympic Park General Sports Ground Gymnasium sa Tokyo ang tipoff.

Wala sa final 12 ni Reyes sina Raymond Almazan, Carl Bryan Cruz, Mac Belo at Terrence Romeo.

Nilinaw ni Reyes na bahagi pa rin ng Gilas team ang tatlo, kailangan lang ng 12 sa lineup.

Gayundin, may iniinda sa tuhod si Almazan at ga­ling din sa knee injury si Romeo na hindi na sumama sa Japan.

Pangungunahan ng nagbabalik na si Andray Blatche ang kampanya ng Filipinos kasama sina veterans June Mar Fajar­do, Japeth Aguilar, Jayson Castro, Calvin Abueva, Gabe Norwood at Allein Maliksi.

Bubuo sa lineup sina Kiefer Ravena, RR Pogoy, Troy Rosario, Kevin Alas at Matthew Wright.

Nilinaw ni Reyes na posibleng mabago ang lineup kapag ini-host ng Pilipinas ang Chinese Taipei sa Smart Araneta Coliseum sa Nov. 27.

“Finally, we decided on the 12-man roster that’s going to play in tomorrow’s game,” ani Reyes sa Facebook live feed kahapon ng tanghali. “I spoke to the three (Cruz, Belo at Almazan) of them earlier and they’ve taken it very professionally and very well.”

At ang sigaw ng Fi­lipinos: #LABANPILIPINAS! (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?