93

Oct 8, 2021 @ 16:52
By

Kampanya laban sa iligal na sugal sa QC paigtingin

Hinamon ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor si Mayor Joy Belmonte na paigtingin ang kampanya laban sa iligal na sugal lalo na ang jueteng sa Quezon City.

Ayon kay Defensor ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na sugal ay hindi magtatagumpay kung walang kooperasyon ng lokal na pamahalaan.

Kamakailan ay sinibak ang ilang station at precinct commander sa lungsod matapos umanong mabigo na patigilin ang iligal na sugal sa kani-kanilang nasasakupan.

“It is common knowledge in our city that big-time jueteng operators and protectors are personally and politically very close to her,” sabi ni Defensor sa isang press statement.

Dahil sa laki ng populasyon ng siyudad ay malaki umano ang kinikita ng mga operator ng iligal na sugal sa lungsod.

Nanawagan rin si Defensor sa PNP na ipagpatuloy ang paghuli sa iligal na nagpapasugal upang hindi magamit ang kita nito sa eleksyon.

Si Defensor ay tatakbo sa pagka-alkade ng Quezon City at makakalaban niya si Belmonte na tatakbo para sa ikalawang termino. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?