237

Jan 29, 2018 @ 11:04
By

Kampanya kontra tricycle at kuliglig sa Maynila umarangkada na

Inihayag ni Manila Traffic and Parking Bureau Chief Dennis Alcoreza na mahigpit na nilang ipinatutupad ang kautusan ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na hulihin ang mga tricycle at kuliglig na pumapasada sa mga pangunahing lansangan sa Maynila.

Ayon kay Alcoreza, nais umano ni Mayor Erap na mga electric at solar tricycle na ang tumatakbo sa Maynila upang makatulong sa kalikasan at maiwasan na rin ang polusyon.

Paliwanag ni Alcoreza,  environment-friendly ang solar at electric tricycle bukod sa nakakatipid ang driver dahil hindi na ito ginagamitan pa ng gasolina at wala nang usok na ibinubuga.

Matatandaan na maraming mga tricycle driver ang umalma dahil mawawalan umano sila ng trabaho kapag inalis na ang mga lumang trike at kuliglig sa Maynila. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?