604
rody-duterte
Mar 22, 2019 @ 13:52
By

Kampanya kontra droga, terorismo, korapsiyon, suportahan – Duterte sa mga bagong pulis

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta ng mga bagong nagtapos na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) para palakasin ang kampanya kontra illegal na droga, terorismo at korapsiyon.

Ginawa ito ng Pangulo matapos pangunahan ang seremonya ng pagtatapos ng Sansiklab Class of 2019 sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang,Cavite ngayong Biyernes.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na kailangan ng bansa ang mga bagong henerasyon ng mga epektibo at episyenteng mga lingkod bayan.

“I enjoin our fresh graduates to support and contribute to the administration’s fight against illegal drugs, terrorism and corruption. Now, more than ever,the Philippines need s optimistic and brave men and women like you who have the qualities to be effective and efficient public servant,” anang Pangulo.

Binilinan din ni Pangulong Duterte ang mga bagong nagtapos na opisyal na bitbitin sa kanilang pag-alis sa akademya ang itinuro sa kanila partikular ang prinsipyo ng integridad at katapatan, gayundin ang pagmamahal sa bayan at patriyotismo.

“As you leave the halls of academy, bring with you the principles of integrity and loyalty as well as the values of patriotism and compassion that your alma mater has instilled in you,” dagdag pa ng Pangulo.

Kasabay nito tiniyak ng Presidente ang suporta ng national government sa mga programa ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology para lalo pang mapahusay ang serbisyo, morale at kaayusan ng bawat pamilya ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?