36

Kampana patutunugin sa 70th anniv nina Queen Elizabeth II, Prince Philip

Sharing is caring!

Magdidiwang ng kanilang ika-70 taong anibersaryo o platinum wedding anniversary mula nang ikasal sa Westminster Abbey sina Queen Elizabeth II at Prince Philip sa Nobyembre 20.

Nalagpasan ng mag-asawang Queen Elizabeth, 91-anyos, at Prince Philip, 96, ang dekada ng pagsasama na walang anumang isyu ng paghihiwalay kahit pa nag-divorced ang tatlo sa apat nilang anak sa kanilang mga asawa na sina Charles, Anne at Andrew.

Wala namang nakaplanong pagtitipon o event para iselebra ito ngunit patutunugin ang mga kampana sa Westminster Abbey, ala-una ng hapon bilang pagbibigay-pugay sa dalawa.

Mas pinili umano, ayon sa AFP News, nina Elizabeth at Philip na idaos ito sa piling ng kanilang pamilya sa Buckingham Palace.

Mayroon na umanong walong apo at limang apo sa tuhod ang dalawa.

Inaasahang madadagdagan pa ito sa panganganak ni Kate Middleton sa anak nila ni Prince William sa Abril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?