120

Nov 29, 2021 @ 9:15
By

Kambosos nahasa sa sparring kay Pacquiao

Umamin ang bagong world lightweight champion na si George Kambosos Jr. na ang mga round ng pakikipag-sparring niya kay Manny Pacquiao ay nakatulong sa kanyang narating sa boxing.

Kahapon ay dinaig ni Kambosos ang liyamadong si Teofimo Lopez via split decision upang maagaw ang WBA, IBF at WBO lightweight title.

Ginulat ni Kambosos ang lahat sapagkat ito ang unang sabak niya sa isang world title fight.

Matapos ang laban, binati agad siya ni Pacquiao.

“Congratulations to my friend, [George Kambosos] in an epic win! You helped me in so many of my past fights, I hope our hundreds of rounds of sparring helped you in some way tonight. I’m proud of you,” saad ni Pacquiao sa kanyang tweet.

Sumagot naman dito si Kambosos, na isang Australian.

“Thank you for everything [Manny Pacquiao], the rounds we shared together shaped me to become champion tonight! Thank you brother,” aniya.

Si Kambosos ay naging sparring partner ng boxer-senator sa tatlo nitong laban. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?