1,204

Oct 4, 2021 @ 20:15
By

Kambing nag-‘shopping’ sa mall, sumakay pa ng escalator

Naaliw ang mga mamimili sa isang kambing habang namamasyal sa isang mall sa Cebu.

Namataan ang kambing sa loob ng SM Seaside City Cebu, na isa sa mga pet-friendly mall sa nasabing lugar.

Viral ang mga kuha sa kambing ng netizen na si Philip Rodrigues, kung saan nakasuot ito ng berdeng damit at diaper.

Sa ilang Facebook post ay makikita pa habang sumakay sa escalator ang kambing, na sumunod sa kanyang amo.

 

Narito ang comment ng mga netizen:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,