49

Jul 5, 2020 @ 21:57

Kambing badtrip sa selfie, bebot binukulan!

Tila hindi nagustuhan ng isang kambing ang ginawang pag-selfie ng isang magandang bebot.

Sa isang viral Twitter video, sa una ay nagmamasid lang ang isang kambing habang tinitingnan ang ginagawa ng isang babae na kumukuha ng selfie.

Nang makabwelo ang kambing ay biglang nagpakawala ng malakas na headbutt sa bebot, dahilan para mapasigaw ito.

Mayroon nang 90,000 views ang nasabing video, pati na rin ang 3,700 likes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?