221

By

Kambal ni ‘Unique’ naispatan sa Globe event

Hindi lang sa stage ng ‘Wanderland 2019’ makikita ang soloist na si Unique Salonga sa Day 1 ng Globe music event.

Sa Instagram post ng volleyball player na si Rex Intal, kanyang ginaya ang dating miyembro ng IV of Spades na si Unique.

“I personally want to thank the #GlobeWanderland crowd this year for being so energetic. See you next year! #UniqueOut,” ayon sa atleta.

Marami naman ang nagsabi na talagang hawig nito ang singer at napuno ng tawa ang comment box ng manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?