327

Apr 1, 2019 @ 15:05
By

Kambal ni Korina, dumating na sa bansa

Kasama ni Kapamilya news presenter Korina Sanchez ang kanyang kambal na sina Pepe at Pilar sa pagbabalik ‘Pinas nito.

Nitong Lunes nang lumapag sa bansa ang kambal na sina Pepe at Pilar mula Pennsylvania.

Kasama pa ang senatoriable at mister ni Korina na si Mar Roxas na kahit busy sa pangangampanya ay lumipad pa-Amerika para salubungin ang mag-iina.

Bago ito tumulak pa-Pilipinas nag-post pa si Korina na excited na siyang makabalik para maiuwi na ang anak na nabuo via surrogacy.

“Pauwi na sa wakas!!! Si Pepe need lang ilakad para tumahimik. Demanding for milk si little boy. Si Pilar was perfectly well behaved and ladylike. Love them both. Excited na si Lola, sasalubong!” ayon sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?