62

Kambal na talo pinalasap ng Pistons sa Celtics

Sharing is caring!

Dinoble ng Detroit Pistons ang bangungot sa nakaraang pagkaputol ng 16-game win streak ng Boston Celtics matapos lagutin naman ang 8-game home win streak nito, 118-108, sa labanan ng top two teams sa Eastern Conference.

Nagpamalas ng impresibong 31 points si Tobias Harris habang may ipinukol na 26 puntos at season-high na 22 rebounds, six assists si Andre Drummond.

Ito ang unang pagkakataon na nagtagpo ang Pistons at Celtics mula nang i-trade si Avery Bradley sa Detroit kasama ang second-round pick kapalit ni Marcus Morris sa offseason.

Naigapos ng Pistons ng ‘go-to guy’ ng Celtics na si Kyrie Irving na mayroon lamang 6-for-16 shooting.

Nakapagbuslo lang ito ng 18 points at mayroong anim na turnovers.

Si Marcus Smart na may 23 points at 6-for-9 shooting sa 3-point range ang gumana sa mga bataan ng Celtics (18-4).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?