26

Aug 24, 2020 @ 22:02
By

Kambal na pagsabog: Jolo, Sulu ini-lockdown

Agad nagdeklara ng lockdown sa Jolo, Sulu matapos ang ikalawang pagsabog sa lugar nitong Lunes.

“Nag-declare ng lockdown immediately kanina noong after the second explosion para nang sa gayon ay mapreempt pa natin ‘yung planong atrocities,” paliwanag ni 11th Infantry Division spokesman Lieutenant General Rolando Mateo sa panayam sa DZBB.

Ang crisis committee ng lugar ang magsasabi kung kailan matatapos ang lockdown, dagdag ni Mateo.

Sa kasakulukuyan aniya ay kontrolado na ang sitwasyon sa lugar ng pulis at militar.

Nitong Lunes ng umaga kumitil ng isang suicide bomber, anim na sibilyan, pitong sundalo at isang pulis ang nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, ayon sa Western Mindanao Command.

Sugatan naman ang 48 sibilyan, 21 sundalo at anim na pulis.

Ayon sa military, ang Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng pag-atake.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?