60

Nov 21, 2019 @ 21:31
By

Kambal na Nieto, sanay sa titulo

Simula grade school, high school hanggang sa kanilang collegiate career, nalasap nina Ateneo Blue Eagles twins Matt at Mike Nieto ang pagiging kampeon.

Katulong ang leadership nina graduating players Matt at Mike, nasungkit ng Ateneo ang three-peat championship at 16-0 record sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

“Siguro sa panalo namin kanina, we just wanted to win. We promised that we’ll do whatever it takes to win in Game 2 kasi mahirap manalo sa Game 3 kasi ‘di ba? Do-or-die pa. Sabi nga ni coach Tab [Baldwin] magsisimula sa aming limang seniors. Thank you lahat sa mga sumupport,” wika ni team captain Mike.

“Well, of course first of all we would like to congratulate UST din. They had three do-or-die games but they succeeded. It’s really hard to defend them. Kitang-kita kanina. It was a close game. Congrats to coach Aldin [Ayo].”

Iba rin ang tuwang naramdaman ni Matt matapos ang kampeonato at lahat ng pinagdaanan ng koponan.

“Sobrang sarap mag-three-peat lalo na kapag galing pa sa grade school, sa high school, and you promise your teammates, your family, that you will do everything that you can to win the championship,” ani Matt.

“Ang sabi ko lang naman sa kanila hindi tayo papatalo. Kahit gaano kahirap, kahit anong challenge na dumarating sa amin. Hinding-hindi kami magpapatalo. We’ll just play the Ateneo way,” saad pa ni Matt.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?