3,744

Jan 4, 2022 @ 15:14
By

Kambal ipinanganak sa magkaibang taon

Sa bihirang pagkakataon, ipinanganak ang isang kambal sa Salinas, California sa ibang araw, buwan at taon.

Dahil dito, magkaiba ang birthday ng kambal na sina Alfredo Antonio Trujillo at Aylin Yolanda Trujillo, ayon sa NBC26 report.

Isinilang si Alfredo ng alas-11:45 ng gabi noong Disyembre 31, 2021 at makalipas ang 15 minuto ay lumabas naman ang kambal niyang si Aylin, hatinggabi ng taong 2022.

Ibinahagi ng Natividad Medical Center sa Twitter ang larawan ng kambal nina Fatima Madrigal at Robert Trujillo.

May timbang si Alfredo ng 6 pounds at 1 ounce habang si Aylin ay 5 pounds at 14 ounces.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?